Forgiveness

This is a topic I have always wanted to write about but is always sent directly to drafts after; probably because I still want to protect the image of some people even though they’ve done me wrong. So if you’re reading this, hug me because it means that I decided to finally share my story of forgiveness to you.

[Disclaimer: This post is going to be in Tagalog para mas damang dama ‘yung feels.]

Paano nga ba magpatawad?

Sobrang hirap, ‘no? Lalo na kung sobra sobrang emosyon ‘yung naidulot sa’yo nung tao. Mapa-galit man o sakit. Lalo na kung hindi mo man lang narinig na humingi ng patawad sa’yo ‘yung tao.. Napakahirap magpatawad.

Pero paano kung hindi naman pala alam nung taong ‘yun na nasaktan ka n’ya? Paano kung nawalan na kayo’t lahat ng komunikasyon pero hindi pa rin n’ya alam na galit ka sa kanya? Paano kung naka-move on na ang lahat ng tao sa mundo, pero ikaw, nand’yan pa rin, stuck pa rin, nagtatanim pa rin ng galit sa kanya?

Kwentuhan ko kayo. Tutal, doon naman ako mahilig. Mag-kwento.

Siguro may ilan sa inyo na nakaka-alala pa rin dun sa naging boyfriend ko bago si Wel. Matagal tagal rin, halos dalawang taon. Okay naman lahat, hanggang sa ayun, life happened. Natapos rin.. Pero kahit na tapos na kami, hindi pa rin ako tumitigil ng pagpapakatanga sa kanya. Alala ko no’n, ilang buwan pagkatapos namin mag-hiwalay, may naging girl siya. (Hindi ko nalang sasabihin kung ‘yun pa rin ‘yung girl hanggang ngayon.) Kapag magka-away sila, sa akin siya tatakbo pabalik, sasabihin sa akin na ako pa rin naman pala daw talaga, na wala naman daw papantay sa akin (like hello as if di ko yun alam? charot), at ako naman itong si (alam-nyo-na) tanga, tanggap. Hanggang sa bigla nalang ulit siyang mawawala sa akin, malalaman ko nalang na ayun nga, bumalik na siya kay girly.

HAHA. Ang tanga ko.

Ilang buwan na ganun. Ilang buwan rin ‘yung pagpapaka-martyr. Hanggang sa natauhan ako. Narealize ko na ang ganda ganda ko naman para gaguhin lang ng ganun. Charot. Hahaha. Pero syempre, ikaw na dapat nag-aangat sa sarili mo. Self-love. Isa ‘yan sa mga natutunan ko talaga nung mga panahong ‘yun.

Dumating si Wel. Medyo basag pa rin pero nabubuo na. Unti-unti nang nakakabangon.

Hanggang sa nalaman ni ex na masaya na ako; na may iba nang sumusubok na magpasaya sa akin. Bumalik si Kuya mo; umiiyak; ako pa rin daw. Nung nakita daw n’ya ‘yung post ko sa Twitter (kasi nag-post ako nun ng picture namin ni Wel sa Twitter), narealize daw niya na ako pa rin daw pala talaga. Selfish.

Tapos makikita ko kinabukasan sa mall na kasama si girly, ka-holding hands?

WAG AKO.

Galit na galit ako nun. Sobra sobra na ‘yun. Hindi na ‘yun tama. Hindi mo kailangang gawin ‘yung ganun sa isang tao lalo na kung alam mong minahal ka naman nung tao. Kapag nakikita mo nang masaya, ‘wag ka nang gago. ‘Wag mo nang guluhin pa. Kasi kita mo nang masaya na siya na wala ka, tapos babalik ka na naman. ‘Wag ganun. Sobra ka na.

2014 ‘yun. Wala akong narinig na sorry sa kanya hanggang ngayon. Ang tanging narinig ko lang na sinabi n’ya ay inamin na niya sa sarili n’yang gago daw talaga siya noon. Sobrang gago daw n’ya nga talaga noon sa’kin. Lately lang ‘yan. Pero hindi ko sa kanya mismo narinig. Sinabi n’ya lang sa kaibigan ko pagkatapos ng tatlong taon. Isa pa, alam ko at aminado naman ako na hindi din naman ako naging perpektong girlfriend sa kanya.

Pero kung iisipin mo, kailangan pa ba talagang marinig kong mag-sorry? Kailangan pa ba talagang hintayin ko na kausapin n’ya ako, umiyak, makitang nagsisisi siya sa mga nagawa n’ya sa akin, at nag-so-sorry? Kung tatlong taon nga bago n’ya maamin na naging gago s’ya sa akin noon, kung siguro naghihintay pala ako ng sorry n’ya, malamang tatlong taon rin akong inaamag kakahintay ng paghingi ng tawad n’ya.

Ang kaso, hindi. Pinatawad ko na. Hindi para sa kanya kundi para sa sarili ko. Kasi may taong handa nang magpasaya sa akin and I won’t completely be happy kapag nagtatanim pa rin ako ng galit sa puso ko.

Gaya nalang nitong isa ko pang kwento. ‘Wag kayong mag-alala. Last na ‘tong kwento, hindi ko lalahatin. Hahahaha.

Merong talagang isang tao na kahit anong pilit nating intindihin, hindi natin maintindihan. Kung bakit n’ya nagagawa itong ganitong bagay, kung bakit hindi n’ya naiisip ‘yung mararamdaman mo, kung bakit napaka-selfish n’ya na hindi niya narerealize na may mga relasyon na unti-unting nasisira dahil sa mga bagay na nagagawa niya. Insensitive. Patuloy pa ring ginagawa ang mga bagay dahil sa tingin n’ya ay okay lang kahit hindi. Kinausap mo na, kinausap n’yo na, pero siguro ganun na lang talaga siya. Wala na tayong magagawa kundi tanggapin.

Ang bigat bigat nitong kwentong ‘to sa’kin.

Sa totoo lang, mas mabigat ‘tong nararamdaman ko dito kumpara sa nauna kong kwento. Na kahit anong gusto ko na ilabas lahat, ikwento lahat, hindi ko magawa, dahil hanggang ngayon, hindi ko masasabing tapos na talaga siya. Two years and counting na din. Basta to summarize, masakit. Hindi kagaya nung una na dahil ng galit. Ito masakit; sobrang sakit. Paminsan minsan nasasaktan pa rin ako.. Pero wala akong magawa sa sitwasyon. Kahit anong pilit kong ayusin, hindi ko maayos ayos.

Gusto kong sabihin na napatawad ko na. Gusto kong sabihin na okay na. Kasi ‘yun ang sinasabi ko sa mga kaibigan ko, e. At totoo ‘yun. Hindi ko man completely napapatawad pa, alam kong papunta na ako dun. Kasi gusto ko nang i-let go.. Gusto ko nang bitawan.. Ayoko na ng pain na dala dala sa puso ko. At ayaw ko nang maging connected sa kanya sa ganitong dahilan. Kasi alam n’yo, kapag hindi ka nagpatawad, you will forever be connected with that person through this emotional steel na tanging forgiveness lang ang makakatibag.

Sabi nga, it takes time to forgive because it takes strength to forgive. ‘Wag nating hayaan na tumigas ‘yung puso natin dahil hindi tayo marunong magpatawad. Let it go. Just let it go and don’t try to control everything. Let God control your life. I’ve learned it a long time ago and ever since I started giving up everything to Him, all these things that are happening – good or bad – e alam kong naka-plano talaga para sa akin. Everything that is happening to us is really meant to happen. Lahat ng bagay may rason. Parang etong post ko, may rason kung bakit ko ‘to sinusulat at may rason rin kung bakit mo ‘to binabasa.

Isa pa, sarili lang rin natin ang tinutulungan natin kapag nagpatawad tayo. Kasi you’re freeing yourself from pain, from grudge, from anger, from all the negativity that is holding you back.. At hindi ka ba proud sa sarili mo para dun?

Totoong napakahirap magpatawad. Pero kaya.

Kayanin mo para sa sarili mo.

For your inner peace, for your own happiness.

Always remember that God is with you.. :)

Love,
Amielle

Advertisements

6 thoughts on “Forgiveness

  1. Kat says:

    Totoo yan. Mahirap magpatawad pero kailangan natin matutunan at gawin, hindi para sa kanila, kundi para sa atin. Mahirap siya na lesson pero need talaga yan matutunan :)

    Liked by 1 person

Any thoughts?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s